.aBout mE.

My photo
♥ am a family oriented person ♥ a proud bread winner ♥ loves music ♥ loves to read ♥ loving-true friend ♥ I am Me. =) Live, Laugh, L♥ve

Sunday, January 30, 2011

Buhay nga naman. Nakakaloka! Lalo na AKO!

Tagalog ito para mas madali isulat at basahin ng kapwa ko Pinoy. Ito na ang pinakanakakaloka kong entry. Ang tungkol sa aking buhay Pag-ibig.
Kamakailan lang, super shout out ako sa mga entry ko na inlove ako sa ex ko, which happens to be my first boy friend. Nagbreak kami ng Jacob ko [not his real name] tas “parang" naging kami ulit ni 1st jowa. Pero masasabi kong di kami pormal na naging kami ulit. I just felt inlove ako sa kanya.
1 month din yun. Nagkikita kami. Magkasama. Nagsimba. Nagpunta sa bahay ng isa’t isa. Pero andun yung pakiramdam na“parang may mali talaga”. Tama siya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. At kahit siya pansin nya yun. At ako ang hindi pumansin dun. Wala akong pakialam. Basta pakiramdam ko masaya ako ok na yun.
Wala siyang trabaho. Stop sa school. Tambay in short. But I chose to love him, kahit sabi ng Mama ko kung dun daw sa isa may magandang future ako, where in tama naman talaga ang Nanay ko. Wala akong future sa taong pinili ko. Dahil sa ngayon, ZERO talaga siya. Magulo din ang utak nya tulad ko. Ang pinagkaiba nga lang, magulo ang utak ko sa pagdating sa love life.
Para sakin, walang kaso kung wala siyang trabaho. Napakabait nyang tao. Walang paglagyan ang kabaitan sa kanya. Lagi siyang nakatawa – nakangiti. Minsan nga kahit di nakakatawa para sakin tuwang tuwa parin siya eh. Weird na tuloy. Masaya naman akong kasama siya, hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan ko.Ang mawala na naman bigla ang nararamdaman ko. Ang saktan ulit ang taong una kong sinaktan.
Hindi ko sinasadyang paasahin siya. Alam ko sa sarili ko MAHAL na MAHAL ko siya. Pero hindi pa pala ako handa sa bagong relasyon. Hindi pa pala ako handang magmahal ulit. Sabay biglang naramdaman ko na naman ang bagay na ayaw ko. Biglang nawala ang pagmamahal ko para sa kanya. Nakakaloka di ba? Sabay ng pagka inlove ko sa kanya ay ang pagdating ng mga problema sa buhay ko. Kelangan ko na naman ata siyang isacrifice para maayos ang mga problemang kinakaharap ko.
Naiiyak ako. Naiisip kong habang sinusulat ko ito hinhintay niya ang text ko. Hindi ko alam kung paano magpapaalam. Ayaw ko siyang saktan ulit. Ipinangako kong hinding hindi ko na siya iiwan. Pero kelangan kong lumayo ulit. Pakiramdam ko gusto kong mapag-isa. Gusto kong lasapin ang presence ng pagiging SINGLE ko. Gusto kong ayusin ang mga problema ko ng mag-isa. Gusto kong ayusin nya muna ang magulo nyang mundo bago yung samin. Hindi ko siya PRIORITY in short. Pero alam ko Mahal ko siya. :(
Ito na ang pinakamalungkot na entry ko. Kelangan kong ilabas dahil wala akong mapagsabihan. Naiiyak na naman ako. Sana hindi niya isiping ang Jacob ko ang dahilan ng pagiging malamig ko sa kanya. DAHIL AKO ANG PROBLEMA AT WALA NANG IBA.
P.S.
Alam kong babasahin mo ito. Sana maintindihan mo ako. Tanggap kita sa kung ano ka pa. I’m sorry.
Mahal na mahal kita.


No comments:

Post a Comment