- Weird - weird ako this past few days. Kung ano-ano pumapasok sa utak ko. I remember 1 day naisip ko ang mga plano ko kapag May taning na ang buhay ko. Weird di ba? Sino bang matinong tao ang mag-iisip na mamamatay na siya? Ako! Nyahaha. Kidding aside, parang tunay siya. Fully furnished na ang plano kapag mamamatay na ako. Mula sa burol hanggang sa libing hanggang sa memories na maiiwan ko sa lahat ng mahal ko. Hmm. At isa lang ang taong nasabihan ko nun. Si Jacob. Nakakatuwang isiping minsan sa buhay ng isang tao nagiging emo ito at take note - mag-isa siya habang iniisip ito. Hmmm. Weird nga akong maituturing. :)
- Kakaiba - kakaiba? Ano? Kakaiba lang yung feelings ko nitong mga nakaraang araw. Isang araw nagising ako ulit at BOOM! Wala na akong nararamdaman kay Jc. Lord, forbid me for I have sinned. Yun lang ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos. I admit. Nagkasala. Pero hindi ko sinasadyang paasahin at saktan siya. Sadyang magulo lang talaga at ang utak ko pagdating sa salitang PAG-IBIG. Hindi tama ito, pero hindi ako ang nararapat para sa tulad niya. :(
- Nakakainis - ikaw na ang madescriminate sa trabaho araw-araw. Oo, babae ako pero trabaho ko ay tulad sa mga lalake. Kamusta? Masaya. Feeling ko ang dami kong alam. Pero isa lang ang kalaban ko sa bagay na ito. Descrimination. The thing I hate the most. Ultimo pagdadrive nalang hindi pa ako matuto dahil masyado silang takot. Hindi naman sila masususpindi. At marunong ako kahit papaano. Kaya nga ako nagpipilit matuto magdrive kahit masakit sa binti eh. Para MASANAY at MATUTO. Pero ika nga ng matatanda, Hindi ka gagaling sa pagmamaneho hanggat hindi ka nababangga [bagay ng ayaw kong mangyari kaya iniiwasan ko.] *sigh* So ngayon, huling driving experience ko na ata ito. Saktong 1month. I started driving last Jan. 3, 2011 at ngayon ay Feb.3, 2011 na. Bongga! Malas ka talaga kapag lahat ng kasama mo puro mayayabang. Wala na sa lugar ang kayabangan. Tsk. Tsk. Tsk. Di bale. May araw din kayo. At hindi ako lelebel sa inyo. :/
- Nakakaloka - bakit nga ba nakakaloka? Kasi totoo nga ata ang 3 month rule [mula sa movie na One More Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz]. Actually, di ko alam ang bagay na ito. Nalaman ko lang sa mga panatiko ng nasabing pelikula. Isa beses ko lang naman napanood yun at nagandahan din naman ako. Infairness. Ngunit tulad nga ng unang kong nabanggit, mukhang totoo nga ito. Recently, nagkikita na ulit kami ng Jacob ko [which happens to be my 2nd jowa]. At ang weird na pangyayari, parang hindi kami nagbreak. Bumalik kami sa kung paano kami nagsimula, mabuting magkaibigan. Pero aaminin ko, walang nagbago. We hold hands and we kiss. We do what couples usually do, except the "do". Pero nakakaloka diba? Mas komportable ang feeling ngayon. Mas masaya kami. Parang kami na magkabarkada, pero NO COMMITMENTS.
Ayaw kong lokohin si Jc so I prefer not to see him. Besides, hindi din naman ako ganito kasaya nung nagkita kami ulit. Ni hindi ko mafeel na natuwa ang pamilya nya. At ni hindi ko din nafeel ana nakatulong sa kanya ang pagkikita namin ulit. *sigh* Ito na ang pinakanakakasirang yugto ng buhay ko. Sa kabila ng lahat ng ito, hinihiling ko ang kapatawaran at pang-unawa ng lahat ng kaibigan at kakilala namin ni Jc at higit sa lahat ni Lord.
*God Bless*

No comments:
Post a Comment